Letter...
Heller :-D nand2 me ngayon sabahy nina Ghe @ Chie :-D.... Gumawakami ng letter nii chie para kay nanay eddie... pero d sa amin yun pinagawa lng sa amin ng friend namin. Hay nako wawa nmn xya kasi super higpit ng nanay nya... d ko na lng ba2nggitin kong cno xya kasi yung pumuputa d2 kilala xya... Saka na lng wento 2ngkol sa akin pag nasa bahay na ako... i2 nga pala yung pinagawang letter sa amin....
Nanay Eddie,
Hi po! Sumulat po ako sa inyo, para iparating po sa inyo ang tunay kong nararamdaman. Nay, hindi naman po umaangal sa lahat ng gusto niyo at sinasabi nyo. Sa kabilang banda nag papasalamat po ako sa lahat ng ginagawa niyo at pag aalala para sa akin. Nay, pero sa tingin ko po nagiging mahigpit po kayo masyado sa akin. Bakit Nanay sa tuwing lumalabas ako kasama ko mga kaibigan ko hindi niyo ako pinapayagan? Nay wala naman po kaming ginagawang masama eh. Gusto ko lang pong ma enjoy ang kabataan ko. Nanay, ang hinihiling ko lng po naman ay yung tiwala nyo kahit kaunti lang. Nay, wala naman po akong gagawin na ikakasakit ng damdamin nyo. Siyempre po iniisip ko rin po kung yung mga ginagawa ko po ay nakakabuti ba sa akin o hindi. Nay, tao rin naman po ako at nasasaktan sa tuwing nakikita kong nagagalit kayo sa akin. Wala na po kong ibang gusto kundi ang mag karoon tayo ng magandang pag-sasama. Sa tuwing nag kakaganito tayong dalawa nahihirapan po ako kasi mas gusto yung samahan nating masaya walang tampuhan. Sa mga oras na nag kakaroon tayo ng tampuhan, di niyo lang po alam na nahihirapan din po ako at nag-aalala kung pano ko po ba maipapakita ang tunay kong nararamdaman. Alam ko po minsan may pag kukulang din ako pero hindi ibig sabihin nun na wala akong pakiaalam sa inyo. Nanay, mahal ko po kayo kung alam nyo lang, gusto kong ipakita sa inyo ngayon kaso hindi ko magawa dahil sa sitwasyon natin ngayon. Masakit po sa akin ang iwan kami ng tunay naming ina kaya nag papasalamat po ako sa panginoon dahil binigay niya po kayo sa amin para naman kahit paano, maramdaman namin na may nag-mamahal at nag-aalala sa amin. Nay, malaki nga papasalamat ko rin sa panginoon dahil kung wala kayo siguro wala akong magandang kinabukasan. Kung mamarapatin niyo po ay hayaan niyo po akong mag trabaho para naman po maka tulong ako at maka-bawi sa mga ginagawa niyo sa amin. Hindi naman po ibig sabihin na pag nag trabaho na po ako ay mapapabayaan ko na po ang lahat pati na rin kayo. Nay, hinding hindi po yoon mangyayari. Hayaan niyo po akong matulungan ko kayo. Nay, sa sitwasyon niyong yan, nahihirapan po ako sa tuwing makikita ko na uuwi kayo sa bahay nang pagod. Nais ko po sana kahit paano na mapawi ang pag hihirap na nararamdaman niyo kaso, sa tingin ko po ay lalo pa po akong nakakapag-pabigat sa iyo. Nanay, ito lang po ang hinihingi ko sa inyo ang TIWALA nyo sa akin. Nay, makakaasa po kayo na hinding- hindi ko sisirain ang tiwalang ibibigay niyo sa akin. Sana naman po ay unawain niyo rin ang nararamdaman ko.
Sana Nay, pag nabasa niyo ang sulat ko “sana” may mag bago, dahil Nay ayaw ko nang mag-away pa tayo. Sisikapin ko na gumawa ng ikakatuwa niyo para lang wag na tayong mag katampuhan.
Nagmamahal at gumagalang,
Blank_Blank
Oohhh... naiyak kayo??? Hay si Chie grabe nag babaha ng luha hehehe...juk lng po :-D Cge nxt tym n lng uli...


0 Comments:
Post a Comment
<< Home